MANILA, Philippines- Sinabi ng militar ng Israel na paiigtingin nito ang aerial bombardment ng Gaza, at nagsagawa ng “rare airstrike” sa West Bank, bilang hudyat na naghahanda na ito para sa bagong bahagi ng giyera laban sa Hamas.
“We will increase our strikes, minimize the risk to our troops in the next stages of the war, and we will intensify the strikes, starting from today,” pahayag ni Daniel Hagari, IDF spokesman, nitong Sabado, at sinabing maglulunsad ng ground offensive sa Gaza sa takdang panahon.
“We continue to destroy terror targets ahead of the next stage of the war, and are focusing on our readiness to the next stage,” aniya.
Naglunsad ng airstrike ang IDF nitong Linggo sa Al-Ansar mosque sa Jenin refugee camp isa Israeli-occupied West Bank, na anito’y ginagamit ng militant groups upang magplano ng “imminent terror attack.”
Wika ni Lt. Col. Jonathan Conricus, isang IDF spokesman, nakatanggap ng impormasyon ang militar “that suggested there was an imminent attack coming from a joint Hamas and Islamic Jihad squad,” na naghahanda mula sa isang underground command center sa ilalim ng mosque.
Samantala, pumalo na sa 4,651 ang death toll ng Palestinians mula sa Israeli airstrikes sa Gaza Strip, ayon sa Hamas-run Health Ministry nitong Linggo.
Umabot na rin sa 14,245 Palestinians ang sugatan sa coastal enclave, ayon sa ministry.
Sa mga biktima, 1,873 ang mga bata at 1,023 ang kababaihan, dagdag nito.
Nasa 266 Palestinians naman ang nasawi sa Israeli airstrikes sa Gaza sa nakalipas na 24 oras, ayon kay Ashraf al-Qedra, tagapagsalita ng ministry.
Nag-ugat ang Israeli airstrikes sa pag-atake ng Hamas sa Israeli military targets at mga bayan noong Oct. 7, na kumitil sa 1,400 indibidwal sa Israel. RNT/SA