MANILA, Philippines- Inaasahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas “stable at murang enerhiya” kasama ang pinalawak na pagsusulong sa Malampaya gas field at pagsama ng imported liquified natural gas (LNG).
Sa isinagawang pagpupulong kasama si Prime Energy Resources Development B.V., (Prime Energy) sa Palasyo ng Malakanyang, tinalakay ng energy operator sa Pangulo ang “to explore and develop indigenous gas prospects; supplement the current indigenous gas production with liquefied natural gas (LNG) imports through a gas aggregation framework; and, enable the stability, competitiveness, and expansion of the country’s gas market.
Pinangunahan naman ni Prime Infrastructure Capital Inc. Chairman Enrique Razon Jr. ang presentasyon kasama ang President at Chief Executive Officer ng kanyang kompanya na si Guillame Lucci, Senior Advisor Sebastian Quiniones at General Manager Donnabel Cruz.
“It seems that this gas aggregator idea is the key. Again, we have work to do,” ang sinabi ng Pangulo sa pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng Prime Energy.
Nagbigay naman ang Prime Energy, operator ng Service Contract 38 (SC 38), ng maikling pahayag kay Pangulong Marcos ukol sa progreso na ginawa para sa pag-develop ng malapit na fields sa loob ng Malampaya Service Contract 38.
“The drilling of Prime Energy’s two deep wells will commence in the last quarter of 2024, with additional production from the Malampaya field expected to start by the first half of 2026,” ayon sa Prime Energy.
Kinilala naman ng Pangulo ang drilling schedule para sa SC 38.
Sinabi rin ng Prime Energy sa Punong Ehekutibo ang plano nito na umangkat ng LNG para punan ang mga pagkukulang sa Malampaya gas.
“An added feature is the blending of imported LNG with Malampaya gas to ensure stability of supply at a price below international prices,” ang pahayag ng Prime Energy.
Ang blended gas ay gagawing available ng Prime Energy at PNOC Exploration Corp. (PNOC-EC) para sa lahat ng gas power plants sa parehong presyo.
Sa kabilang dako, binigyang diin naman ng Chief Executive ang commitment ng gobyerno na tiyakin ang “stability of supply, affordability, transparency and competition in the Philippine natural gas market” partikular na sa pagpapakilala sa imported LNG sa unang pagkakataon.
“Prime Energy is a natural gas exploration and development company with 45 percent operating interest in Service Contract No. 38 (SC 38), covering the Malampaya Gas-to-Power Project. The Malampaya gas field is the only indigenous gas source in the country,” ayon sa ulat.
Matatandaang, tinintahan ni Pangulong Marcos ang Renewal Agreement para sa Malampaya Service Contract No. 38 (SC 38).
Ang 25-taong kontrata sa produksyon, na nakatakdang magtapos sa Pebrero 22, 2024, ay na-renew para sa huling labinlimang (15) taon o hanggang 22 Pebrero 2039.
Ito ay magbibigay-daan para sa patuloy na produksyon ng Malampaya gas field.
Nabatid na ang pagpapatuloy ng mga operasyon sa produksyon, ang SC 38 Consortium ay kinakailangang magsagawa ng minimum na work program na binubuo ng geological at geophysical studies at ang pagbabarena ng hindi bababa sa dalawang (2) deep water well sa panahon ng Sub-Phase 1 mula 2024 hanggang 2029.
Sinabi naman ng Department of Energy na ang pagtuklas ng mga karagdagang reserba sa Malampaya gas field ay magpapalakas sa paghahanap ng bansa para sa seguridad ng enerhiya.
Ang Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project ay gumagamit ng state-of-the-technology para kumuha ng natural gas at condensate mula sa kailaliman ng Palawan basin. Kris Jose