Home OPINION MASALIMUOT NA KASO KAY TEVES

MASALIMUOT NA KASO KAY TEVES

318
0

MUKHANG nagkakabuhol-buhol na ang kaso ukol sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo kung pagbabasehan ang mga pahayag ng Department of Justice.

Simula noong March 4 na pinaslang si Degamo, dagli ang nagpahayag ang mga kinauukulan ng kanilang suspek. Itinuturo ni DOJ Secretary Boying Remulla si Rep. Arnie Teves bilang mastermind.

Pero sa totoo lang, hanggang ngayon ay wala pang isinasampang kaso laban kay Teves sa korte. Kung sinusundan mo ang kaso at binabantayan ang mga pahayag ng DOJ, aakalain mo na may nakahain na sa korte laban kay Teves.

Pero pulos pahayag lang sa media ang naririnig ng taumbayan. Sa March 24 interview kay SOJ, magpa-file na raw sila ng kaso sa March 30.

Sa pagharap sa media noong March 31, “99% solved” na ang kaso anang SOJ, pero wala pa ring isinasampang kaso.

Noong April 28 presscon ng DOJ, sa susunod na linggo noon daw sila magsasampa ng kaso. Hanggang ngayon, wala pa ring naka-file na kaso sa korte laban kay Teves.

May ‘notice’ na raw sa Interpol tungkol sa mga galaw ni Teves, na kasalukuyang nasa ibang bansa. Ang ‘blue notice’ raw sa Interpol ang dahilan kung bakit nila natukoy na nasa Timor Leste ang mambabatas.

Medyo nakapagtataka na may blue notice kay Teves mula sa Interpol gayong wala pa naman itong kaso. Pero ito ang sinabi ng DOJ, maniwala na lang siguro tayo. He!he!he!

Nitong May 16, sinabing uuwi raw kinabukasan si Teves dahil nga wala nang mapuntahan ang kongresista dahil sa blue notice.

Dumagsa ang media sa mga paliparan noong May 17 upang ma-cover ang pag-uwi ni Teves, pero walang nangyari.

Nagpaliwanag si Remulla na “according to sources, may ticket na siya (Teves).”

Kamakailan naman ay nagkaroon nang matinding dagok sa kaso ng DOJ laban kay Teves.

Naghain ng kanyang kontra-salaysay ang isa sa mga major suspect na hawak ng DOJ.

Sa preliminary investigation, naghain ng counter affidavit si Osmundo Rivero sa korte. Sinabi niya na pinahirapan siya ng mga pulis at pinilit na amining kasama siya sa pumatay kay Degamo at idiin si Teves bilang utak.

Malulutas pa ba ito? Ano naman kaya ang susunod na kabanata? Abangan!

Previous articleSouthwesterly windflow magpapaulan sa bahagi ng Mindanao
Next articlePISTING YAWA NA KURYENTE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here