Home HOME BANNER STORY Mask mandate ‘di muna ikakasa sa Metro Manila

Mask mandate ‘di muna ikakasa sa Metro Manila

388
0

MANILA, Philippines- Hindi muling gagawing mandatoryo ng Metro Manila ang face masks sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, ayon sa pinuno ng Metro Manila Council nitong Miyerkules.

Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na nananatili ang Metro Manila sa low-risk category para sa COVID, na may hospital utilization rate na 29 porsyento.

“So that is within the low risk category. At ang positivity rate po natin ay 25 percent…ngunit karamihan po talaga ay mild lamang,” pahayag niya.

“Yes, nakikita natin ang ibang mga lungsod ay nagkakaroon ng mask mandate sa kanilang mga lugar but overall in Metro Manila, in coordination with the (Department of Health), ay tayo po ay nasa low risk category at Alert Level 1, at ang pagsusuot po ng face mask ay optional pa rin sa ilalim ng Alert Level 1 na ito.”

“Pero tandaan po natin, ang mga local government units po ay may autonomy. Ibig sabihin, on their own, they can prescribe, through ordinances or executive orders, the use of face masks,” giit pa ni Zamora.

“So we will monitor the situation, and umaasa naman po tayo na hindi na nga po tumaas ang bilang ng mga kaso,” patuloy niya.

Iniugnay ng alkalde ang mababang positivity at hospitalization rates sa mataas na vaccination rate sa metro.

“Yun nga po ang magandang epekto ng pagbabakuna. Overall in Metro Manila ay 127 percent na po ng target population ang bakunado,” sabi ng alkalde.

“Kung tayo ay hindi pa nga bakunado, hindi pa nagfi-first booster o hindi pa nagse-second booster, eh dapat kunin na po natin ito ngayon,” dagdag niya. RNT/SA

Previous article‘Gunman’ ng pamilya Teves sa Dumaguete, arestado sa QC – CIDG
Next articlePaghimay ng Senado sa Maharlika Bill, sinimulan sa plenaryo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here