Home HOME BANNER STORY Mastermind sa MSU bombing patay sa military ops

Mastermind sa MSU bombing patay sa military ops

MANILA, Philippines – Patay sa operasyon ng militar ang itinuturong mastermind sa pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City noong Disyembre.

Sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Lunes, Pebrero 12, si Khadafi Mimbesa o “Engineer” ay amir o lider ng Dawlah Islamiyah – Maute Group.

“Statements from a surrendered terrorist, identified as KHATAB, a high-value individual in the DI-Maute Group who surrendered to the 2nd Mechanized Brigade on February 11, have corroborated the initial information on demise of the DI-Maute Group Amir and the mastermind behind the MSU bombing,” sinabi ng AFP.

Mula Enero 25 hanggang 26, nagsagawa ng operasyon ang militar na nagresulta sa pagkasawi ng siyam na pinaghihinalaang miyembro ng Dawlah Islamiyah.

Nauna nang iniulat ng militar na kabilang sa mga napatay ay sina Saumay Saiden (kilala bilang Ustadz Omar, Abu Omar, Saumay), isa sa primary suspects ng MSU bombing.

Iniulat din na nasawi si Abdul Hadi (kilala bilang si Hodi Imam, Abday’N) na siya namang nag-assemble ng improvised explosive device na ginamit sa pambobomba.

Noong Disyembre 3, 2023, apat katao ang nasawi habang 45 iba pa ang nasaktan sa pambobomba sa Dimaporo Gymnasium sa MSU. RNT/JGC

Previous articleOpisina ng DENR binulabog ng bomb threat
Next articlePatay sa Davao de Oro landslide, 55 na