MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) ang clustering nhlg mga kaso ng malaria sa Barangay Irawan, Puerto Princesa, Palawan mula April 26 hanggang Hunyo 30.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na kabuuang 31 kaso ang naitala na may edad mula isang buwan pababa hanggang 50 taong gulang.
Nasa 17 o 55 percent ng mga kaso ay babae.
“Zone 14 had the highest reported cases, which is 24, among the five puroks or zones affected,” anang kagawaran.
Ang mga kasong ito ay may mga karaniwang palatandaan at sintomas ng pananakit ng ulo, pagkahilo, sakit sa katawan, lagnat, at pananakit ng epigastric.
Ang lahat ng mga kaso ay naka-recover noong Hulyo 5.
Ang mga kaso ay pinangangasiwaan ng Irawan Barangay Health Station habang ang Puerto Princesa City Epidemiology and Surveillance Unit ay nagsagawa ng case investigation at health education.
“Vector Born Prevention and Control Program has also performed misting and stream clearing in Zone 12, 13, and 14 for 42 houses, indoor residual spraying for 27, and search and destroy for 25 houses,” sabi ng DOH.
“Pilipinas Shell Foundation or Kilusang Ligtas Malaria has also distributed long-lasting insecticidal nets for six households and provided medications to affected cases.”
Nanatiling endemic ang Malaria sa Puerto Princesa. Lahat ng probinsya sa bansa ay nakamit na ang malaria-free status maliban sa Palawan.
Layon ng DOH na maging malaria-free ang Pilipinas sa 2030. Jocelyn Tabangcura-Domenden