Home NATIONWIDE Matagal nang patay na Pangulo, hinatulan pa ring mabitay

Matagal nang patay na Pangulo, hinatulan pa ring mabitay

PAKISTAN – Kahit isang taon nang patay, hinatulan pa ring mabitay si dating Pangulong Pervez Musharaf nitong nagdaang araw lamang ng Pakistan Supreme Court.

Kaagad namang tinuligsa ng mga abogado ni Musharaf ang desisyon at sinabing hindi pupwedeng hatulan ng bitay ang taong patay na at sa kawalan ng paglilitis laban sa kanya.

Namatay habang nasa distierro o exile si Musharaff noong Pebrero 5, 2023 sa Dubai.

Sinabi ng Supreme Court sa ilalim ni Chief Justice Qazi Faez Isa NA dapat mabitay ang ex-President dahil sa pagtataksil sa bayan sa tahasang paglabag umano nito sa Konstitusyon ng nasabing bansa.

Nauna rito, noong 2020, pinawalang-saysay ang parusang bitay ng Lahore high court at nakinabang dito si Musharaf.

Idineklara rin ng Lahore high court na iligal ang pagsasampa ng pamahalaan ng kasong pagtataksil sa dating Presidente at pagtatag ng special court para litisin ito.

Inapela ito ng prosekusyon at Pakistan Bar Council sa Supreme Court at kinatigan sila ng huli.

Upang malitis si Musharaf, binigyan ito ng abiso nitong nakaraang Nobyembre, maging ang kanyang mga kamag-anak, sa loob at labas ng Pakistan upang magpakita sa harapan ng hukuman.

Dahil hindi nagpakita si Musharaf dahil patay na nga at maging ang sinomang malapit niyang kamag-anak, inihayag na ng Supreme Court ang parusang bitay.

Nilusaw rin ng SC ang special court na naunang naglitis sa dating Pangulo. RNT/FC

Previous articlePBBM may paalala sa DSWD
Next articleEDSA-pwera ads sa Charter change, basura – De Lima