Home METRO Matataas na kalibre ng baril, bala’t magazine, narekober

Matataas na kalibre ng baril, bala’t magazine, narekober

RIZAL, Cagayan – Narekober ng mga otoridad ang mga matataas na kalibre ng baril kasama ang mga magazine at bala nito sa Brgy. Masi, Zinundungan Valley, Rizal, Cagayan.

Ayon kay PCol. Julio Gorospe, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office o IPPO isang rebelasyon mula sa isang CTG surrenderee hinggil sa isang “firearms cache” ang nakabaon sa bulubunduking bahagi ng nabanggit na lugar.

Agad naman nagsagawa ng maingat na operasyon ang awtoridad na nagresulta sa pagkakarekober sa mga armas na isang yunit ng 5.56 Daewoo K3 Rifle; Dalawang yunit ng 5.56 Colt Rifle w/ M203 Grenade Launcher; Tatlong yunit ng unit 5.56 Colt Rifle;
Tatlong yunit ng 5.56 Elisco Rifle; 14 na Long Magazine ng M16 Rifle; Apat na Short Magazine ng M16 rifle;
Isang yunit ng cal. 45 Armscor pistol, isang magazine at 32 na bala nito at Isang Improvised Explosive Device.

Ang nasabing pakikipag-ugnayan ng nabanggit na concerned citizen ay nagpapakita lamang ng matatag at maayos na ugnayan ng mamamayan at kapulisan.

Malaking tulong rito ang walang humpay na pagsasagawa ng Cagayano Cops ng mga ibat-ibang aktibidad, programa, at inisyatiba na napapasailalim sa programang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ng pamahalaan.

Ang matagumpay na operasyon ay pinangunahan ng Provincial Intelligence Unit sa pangangasiwa ng hepe na si PLtCol. Vincent C Maguddayao kasama ang PNP Rizal na pinangunahan naman ni PMaj Sherwin C Viernes; 1st Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni PCpt Harold King B Amaqui sa ilalim naman ng pangangasiwa ni PMaj Rexon B Casaway; 202nd MC RMFB2 at 17 IB,Philippine Army. Rey Velasco

Previous article3 tulak dinamba sa P3.2M marijuana
Next articleMister patay sa 5 NPA