Home HOME BANNER STORY Matibay ang PH-Japan bilateral ties pangako ni PBBM

Matibay ang PH-Japan bilateral ties pangako ni PBBM

MANILA, Philippines- Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pananatilihin niyang matibay at masigla ang bilateral relationship sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Kasalukuyang nasa bansa si Japanese Prime Minister Fumio Kishida para sa kanyang two-day state visit.

Sa kanyang toast para sa Japanese prime minister sa Palasyo ng Malakanyang, Biyernes ng gabi, Nobyembre 3, nagbigay ng kanyang mensahe ng pasasalamat si Pangulong Marcos sa mga mamamayan ng Japan.

“Excellency, please bring home this message to the Japanese people, that for their support, the Filipino people are grateful.  Let us renew our commitment to sustaining the vigor of this relationship in its prime,” ayon kay Pangulong Marcos.

Inalala pa nito ang “ambition for a robust and future-oriented Strategic Partnership” nila ni PM Fumio Kishida na
“will carry us through the uncertainty of our times.”

“We also articulated our long-held aspiration for the enduring friendship as the leaders of two great maritime nations and Indo-Pacific democracies,” ayon sa Pangulo.

Ang pahayag na ito ng Punong Ehekutibo ay sinabi niya sa inihanda niyang official banquet bilang pagbibigay-galang kay PM Fumio Kishida, sa kanyang asawa na si Madame Kishida Yuko, at iba pang ministro at opisyal mula sa dalawang nasabing bansa.

Sa kabilang dako, nakiisa naman sa banquet sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Vice President at Education Secretary Sara Duterte, Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., newly appointed Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., at Armed Forces chief-of-staff Romeo Brawner Jr, at iba pa.

Samantala, nag-alok din naman ang Pangulo ng toast para sa  maayos na kalusugan ni Madame Kishida, sa kasaganahan ng Japanese nation, at matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Winika pa ng Pangulo na ang diplomatic relationship sa pagitan ng Pilipinas at Japan ay nilinang ng “common principles of democracy, respect for basic human rights, and the rule of law” mula nang maitatag ito 67 taon na ang nakalilipas.

“Japan has provided us steadfast support and unwavering friendship through many decades. With patient and undistracted focus, we are building our realm of freedom, prosperity, and security together in the Indo-Pacific,” pahayag ni Pangulong Marcos. Kris Jose

Previous articleAbegail, may hamon kay Pia!
Next article2023 revenue ng PH gov’t inaasahang lalampas sa target