Home NATIONWIDE Matibay na kaso vs officials sa ‘biggest PH drug haul’ siniguro ng...

Matibay na kaso vs officials sa ‘biggest PH drug haul’ siniguro ng DOJ

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Boying Remulla na mabilis na gumugulong ang hustisya laban sa kaso ng 990-kg shabu drug bust na kinasasangkutan ni dating Police M/Sgt Rodolfo Mayo.

Siniguro ito ng kalihim matapos ang ginanap na clarificatory meeting ng DOJ panel of prosecutors at ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Ang kontrobersyal na ₱6.7 billion drug bust sa Manila noong 2022 ang itinuturing na pinakamalaking drug haul sa kasaysayan ng bansa.

Mahigpit ang kautusan ni Remulla sa panel na palagiang makipag-ugnayan sa law enforcement agencies upang masiguro na makukuha ang lahat ng ebidensya na kinakailangan para magkaroon ng matibay na kaso.

Batay sa inilabas na statement ng DOJ “The discussion mainly focused on coming up with a concrete, credible, and airtight case against dishonest individuals linked to anomalous acts during the anti-illegal drugs operation, where former Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. was arrested for his involvement in the drug haul.”

“As the prosecution arm of the government, it is but imperative that we uphold the Rule of Law in the most efficient and expeditious way and at the same time within the bounds of truth, fairness and justice,” ani Remulla. Teresa Tavares

Previous article‘Lolo’ timbog sa mga baril, bala sa Bulacan
Next articleTserman, itinumba sa kalsada