Home METRO Matinding trapiko ibinabala ng P’que LGU

Matinding trapiko ibinabala ng P’que LGU

207
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng ParaƱaque sa mga motorista na asahan ang matinding daloy ng trapiko sa darating na Setyembre 20 dahil sa isasagawang konstruksyon ng box culvert at tulay ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa inilabas na traffic advisory ng ParaƱaque Public Information Office (PIO), makararanas ng matinding trapik sa kahabaan ng J. Tongquia Road partikular sa kahabaan ng Evacom-Canaynay patungong Topland CAA sa Las PiƱas City sa darating na Miyerkules (Setyembre 20).

Ang mga mabibigat na trak ay pinapayuhan na magdaan sa alternate route ng C5 patungo ng Quirino Avenue at Alabang-Zapote Road hanggang CAA Road.

Ipatutupad ang two-way traffic scheme sa kahabaan ng J. Tongquiao Avenue para lamang sa mga magagaan na behikulo.

Bukod pa sa pagpapatupad ng traffic re-routing scheme ay magtatalaga din ang lokal na pamahalaan ng karagdagang pulis trapiko sa lugar. James I. Catapusan

Previous articlePamimigay sa mahihirap ng nakumpiskang bigas panabla sa rice smugglers
Next article2K solo parents, 1K pa binahagian ng tulong-pinansyal ni Imee

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here