Home ENTERTAINMENT Matteo, bet ang ‘dragon baby’!

Matteo, bet ang ‘dragon baby’!

Manila, Philippines- What do Matteo Guidicelli and Ellen Adarna have in common?

Answer: they both want their respective babies born under the Year of the Dragon.

Sa 2024 according to Chinese asrrology ay Year of the Wood Dragon.

Kung si Ellen ang tatanungin, herself born in that year, ay nais niyang isilang ang kanilang firstborn ni Derek Ramsay next year.

Si Derek ay ipinanganak din sa Year of the Dragon.

Ani Ellen, suwerte raw ang isang tahanang merong tatlong nananahan born in that particular year.

Meanwhile, Sarah Geronimo figuratively gave birth to her baby.

Ito ang G Studios of which she’s the president.

Ito’y matatagpuan sa Daang Hari, Las Piñas at pinasinayaan kamakailan lang.

Nang tanungin si Matteo kung kelan naman ang plano nila ni Sarah na magkaroon ng literal na supling, the actor replied: “Sana ‘dragon baby.'”

Matatandaang ni-reset ang dapat sana’y malaking concert ni Sarah kamakailan due to health reasons.

Ipinapalagay ng kanyang mga tagahanga na may kinalaman ‘yon sa umano’y pagbubuntis ng Popstar Royalty.

Sarah’s pregnancy kasi is hoped to give way to her total reconciliation with her parents.

Harinawa. Ronnie Carrasco III

Previous articleLoyalista, ililibot sa buong mundo!
Next articleLotto Draw Result as of | December 18, 2023