Home ENTERTAINMENT Matteo, iwas-pusoy sa isyu kay Mommy Divine!

Matteo, iwas-pusoy sa isyu kay Mommy Divine!

331
0

Manila, Philippines – Obyus na umiiwas si Matteo Guidicelli na sagutin ang tanong kung totoo nga bang banned sila ni Sarah Geronimo na tumapak sa isang village sa Quezon City kung saan naninirahan ang kanyang mga in-laws.

Isa ito sa pinaksa nang maging guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong May 15, Biyernes.

“Wild story” pa nga kung tawagin ni Boy ang impormasyong nakalap niya.

Pinakumpirma kasi ng King of Talk kung ano ang totoo sa likod ng kuwento na minsa’y pumunta ang mag-asawang Sarah at Matteo sa village kung saan nakatira ang mga magulang ng singer-actress na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Hindi raw pinapasok ng mga nakatalagang guwardiya ang couple sa bilin na rin ng mag-asawang Geronimo.

“Hindi ko na maalala, Tito Boy, eh,” sagot ni Matteo na halatang lumulusot lang.

Pero inamin niyang hindi na raw niya kailangang idetalye ang nasabing pangyayari bilang paggalang sa kanyang mga in-laws.

Sa kabila nito’y ramdam ang pagnanais ni Matteo na magkaayos na sila ni Sarah at ang mga magulang nito.

“I wish to love them. I know how much Sarah loves them and how much they love Sarah,” paglilinaw ng aktor.

Advertisement

Tahasan ding sinabi ni Matteo na hanggang ngayon ay hindi sila on speaking terms nina Monmy Divine at Daddy Delfin yet: “They’re also my parents.”

Sa tantya niya, bukas naman daw ang communication lines betwèen them and Sarah.

Hindi man niya isapubliko, nalulungkot si Matteo sa ‘di pagtanggap na nagpakasal sila ni Sarah.

Kung tutuusi’y February 20, 2020 pa noong ikasal sina Sarah at Matteo pero mahirap itong matanggap ng mga magulang ng singer.

Sumulat at nagsori na ito’t lahat noong October last year pero nananatiling matigas ang puso ng mga ito.

As if it wasn’t enough, binigyan pa ni Sarah ng tribute ang kanyang mga magulang at her 20th anniversary concert.

Pero hindi man lang naantig ang damdamin ng Geronimo couple.

Sa ginagawang ito nina Mommy Divine at Daddy Delfin, sinira nila ang kasabihang “Walang magulang ang kayang tiisin ang anak.”

Hanggang kailan kaya ang paninikis nilang ito kay Sarah? Ronnie Carrasco III

Previous articleNagpakilalang tauhan ng MMDA, arestado sa robbery extortion, usurpation of authority
Next articleFloor price ng mga sigarilyo, vape binago ng BIR

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here