Home OPINION MAY ALOK NA CASH LOAN PROGRAM ANG PAG-IBIG FUND PARA SA PASUKAN...

MAY ALOK NA CASH LOAN PROGRAM ANG PAG-IBIG FUND PARA SA PASUKAN NG MGA ESTUDYANTE

NAUUNAWAAN ng pamunuan ng Pag-IBIG Fund na ang pasu­kan sa eskwela ay nangangahulugan na naman ng malaking gas­tusin para sa enrollment at mga kagamitan sa pag-aaral kaya na­man maaaring mag-cash loan sa ilalim ng MPL o ang Pag-IBIG Multi-purpose loan para sa mga kwalipikadong miyembro.

Ang MPL ang siyang “affordable and easily accessible cash loan kung saan hanggang 80% ng kanilang regular savings ang maaaring mahiram. Sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong araw ay mabilis na mapoproseso ang iyong cash loan na papasok sa inyong Pag-IBIG Loyalty Card Plus.

Maaari itong mabayaran sa loob ng 24 to 36 months sa interest rate na 10.5% lamang at may dalawang buwan na deferred months.

Pwedeng magamit ang MPL sa pagbayad ng tuition fees, iba pang school-related expenses, maaari rin sa medical expenses, minor home improvement, at maging kapital sa negosyo.

Ikinatuwa ni DHSUD o Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar na siyang chairperson ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees ang hakbang ng ahensya na aniya ay malaking tulong sa panganga­ilangan ng mga magulang na naghahangad ng magandang edukasyon at kinabukasan para sa kanilang mga anak.

Sa datus ng Pag-IBIG Fund, hanggang nitong June 2023 ay umabot na sa 1,019,000 o 1.19 million ang naabutan ng tulong ukol sa MPL na may katumbas na halagang Php 26.17 billion pesos. Nasa kabuuang halagang ito, nasa Php 3.61 billion ang nailabas para sa tuition fees at iba pang school-related expenses na pinakinabangan ng mahigit 134,000 na miyembro.

Kaya naman ipinag-utos ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Marilene Acosta na maging accessible sa lahat ng mahigit dala­wang daang sangay, online Virtual Pag-IBIG at Virtual Pag-IBIG mobile app ang pagtanggap at pagproseso ng aplikasyon bilang bahagi ng “Lingkod Pag-IBIG, Tapat na Serbisyo, Mula sa Puso.”

NCH TUMATANGGAP NG 3-YEAR PEDIATRIC
RESIDENCY TRAINING PROGRAM

PATULOY na nag-aanyaya ang Department of Pediatrics ng National Children’s Hospital (NCH) ng mga aplikante para sa 3-year Pediatric Residency Training Program nito.

Batid naman ng health professionals sa ating bansa ang husay at kalidad ng NCH sa pangangalaga sa kalusugan ng mga bata lalo pa’t isa ito sa mga specialty hospital na nasa direktang superbisyon ng Department of Health (DOH).

Malaki ang bentahe kapag nagkaroon ka ng kasanayan sa NCH, dahil mayroon ditong hands-on management, maraming clinical materials na maaaring mapag-aralan at masuri, at isa ang ospital na pambata sa bansa na may “highly functioning mentoring program”.

Bukod pa sa mababait at may malasakit na mga consultant ay competitive naman ang entry level salary na Php 63,997.00 na katumbas ng salary grade 21 (SG21) ng mga nasa pamahalaan.

Sa mga interesado, kontakin lamang sina Dr. Henry Lat at Dr. Romely Escobido sa mobile phone na 09755144079 o personal na bumisita sa NCH na matatagpuan sa 264 E. Rodriguez, Sr. Avenue, Quezon City.

Samantalahin ang pagkakataon na maging mahusay at may pusong manggagamot na maibabahagi ng NCH.

Previous articleAma ng tahanan sinaksak, patay
Next articleAYUDA SA MGA DATING MILF NG SULTAN KUDARAT