Home NATIONWIDE May-ari ng junk shop, arestado sa P37.4M shabu

May-ari ng junk shop, arestado sa P37.4M shabu

228
0

TALISAY CITY, Cebu- ARESTADO ang isang may-ari ng junk shop matapos makuhanan ng higit sa P37.4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad nitong Linggo, Hulyo 30 sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Robert Fernan, 31-anyos at residente ng Purok Avocado, Barangay Maghaway, Talisay City, Cebu.

Ayon kay Police Captain Lino Galvan III, ng Talisay City Drug Enforcement Unit, katuwang ang Cebu Provincial Police Office at Police Regional Office Central Visayas, bandang 10:00 PM, nadakip ang suspek sa Purok Kawayan, Sitio Kimba, Barangay San Roque, ng naturang lungsod.

Nakuha kay Fernan na isang high value individual ang 5.5 gramo ng shabu na nakalagay sa 11 plastik na tinatayang aabot sa halagang P37.4 milyon.

Narekober din sa suspek ang isang .45 caliber pistol at Honda Beat na motorsiklo.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Talisay City Police ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa illegal drugs. Mary Anne Sapico

Previous articleFare hike sa LRT-2 epektibo na sa Agosto 2
Next articleMas maraming foreign language elective courses hirit ni Estrada

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here