Home OPINION MAY BAGONG TOP OFFICIALS ANG NWRB

MAY BAGONG TOP OFFICIALS ANG NWRB

194
0
MAINIT na tinanggap ng mga opisyal at mga empleyado ng National Water Resources Board (NWRB) ang pagtatalaga kay Atty. Ricky Arzadon bilang bagong executive director (officer-in-charge) ng ahensya, ganun’n din kay Atty. Geraldine Dela Cerna-Ramos bilang deputy executive director (officer-in-charge).
Sa bisa ng special order no. 2023-500 na nilagdaan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ay pinalitan nina Atty. Arzaon at Atty. Dela Cerna-Ramos sina Dr. Sevillo David, Jr. at Jorge Estioko. Si Dr. David ay inilagay naman bilang bagong executive director ng River Basin Control Office (RCBO).
Si Atty. Arzadon ay mahigit tatlumpung taon na sa DENR, siya ay director III na nasa Office of the Undersecretary for Field Operations habang si Atty. Dela Cerna-Ramos ay mula naman sa Investigation and Arbitration Division, Legal Affairs Service ng DENR.
Tiniyak naman ni Atty. Arzadon na malinaw ang direktiba sa kanya ni DENR Secretary Loyzaga na ipagpatuloy at lalo pang ayusin ang mga programang nailatag na ng NWRB sa pangunguna ni Dr. David bilang bahagi ng paghahanda sa magi­ging epekto ng nagsisimula nang El Niño weather phenomenon sa bansa.
Ang inyong Agarang Serbisyo Lady ay kasama ng mga manggagawa ng ahensya sa mainit na pagtanggap kina Atty. Azardon at Atty. Dela Cerna-Ramos sa NWRB at paghahangad ng pagtatagumpay sa inyong paglilingkod.

BAWAL MAGDALA NG LISENSIYADONG
BARIL AT ANOMANG DEADLY WEAPONS

MULING nagpaalala ang COMELEC o ang Commission on Elections na nagsimula na nitong August 28, 2023 ang election period sa buong bansa, kaugnay ito sa gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa October 30, 2023.
Kasabay nito ang mahigpit na ring ipinatutupad na gun ban o pagbabawal sa pagdadala ng lisensiyadong baril, mga bala at anomang deadly weapon maliban na lamang kung awtorisado ng Komisyon.
Nagbibigay ng certificate of authority ang COMELEC para sa papayagang magdala ng baril at mga deadly weapon sa pama­magitan ng Committee on the Ban of the Firearms and Security Concerns.
May mga nasampulan na ang PNP o Philippine National Police sa Metro Manila at maaari silang makulong ng isa hanggang anim na taon, diskwalipikasyon sa anomang public office o pagkawala ng karapatan sa pagboto, at deportation kung isang dayuhan matapos mapagsilbihan ang sentensiya.
Magtatagal hanggang November 29, 2023 ang election period.

Previous articleMga kubol sa NBP binuwag na – Catapang
Next articleKAYQUIT ELEMENTARY SCHOOL TINULUNGAN NG AKRHO INDANG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here