MAY COVID O WALA, ASIA PRIME PROPERTIES PATULOY SA PANLOLOKO

MAY COVID O WALA, ASIA PRIME PROPERTIES PATULOY SA PANLOLOKO

June 29, 2020 @ 3:05 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Anak ng kuwago, sa kabila ng patuloy na pananalasa ng coronavirus disease o COVID-19 sa ating bansa, patuloy pa rin ang pagdasa ng mga reklamo sa atin laban sa panloloko ng Asia Prime Properties na pag-aari ng isang alias Paul Salang sa kanilang mga kliyente.

Ayon sa panibagong biktima, ilang beses na raw siyang nagpabalik-balik sa subdivision ukol sa inaalok sa kanya ng Asia Prime Properties na pag-aari ni Paul Salang pero wala raw siyang makausap kahit ni isa man lang na staff sa nasabing subdivision.

Aba’y ano pa ba ang inyong aasahan sa house and lot developer na ‘yan, eh, maliwag pa sa sikat ng araw na isang ‘scam’ ang kanilang naturang house and lot development na inaaalok sa mga kababayan nating nangangarap na magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Ang pinagtatakhan ko lang mga kapatid, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikilos ang ating mga law enforcer para tugisin kung sinoman ang sinasabing Paul Salang na ito na patuloy na nambibiktima sa mga kababayan natin na nangangarap na magkaroon ng sariling bahay at lupa para sa kinabukasan ng kanilang pamilya.

Basahin natin ang panibagong reklamo sa Asia Prime Properties.

Gud pm po, Sir Johnny.

Nabasa ko po sa REMATE online ‘yung mga reklamo kay Paul Q. Salang.

Isa rin po ako sa mga nabiktima nila.

Ilang beses na kaming pabalik-balik sa sinasabi nilang subdivision pero wala po kaming makausap ni isang staff nila.

Napuntahan na rin po ng mga kasamahan ko na biktima rin ng nasabing developer ang mga bahay ng mga staff pero hanggang ngayon po ay wala pa rin silang aksyon tungkol sa bahay namin at palagi lamang kami na pinangangakuan na maghintay lang.

Ang masakit pa rito, wala rin pong updates mula sa kanila.

Kaya sana, Sir Johnny, matulungan po ng inyong kolum ang mga katulad naming biktima ng ganitong ‘scam.’

Nag-try na po akong tumawag sa cellphone number ni Paul Salang pero hindi po niya sinasagot ang aking tawag.

Sana, Sir Johnny, matulungan ninyo ako.

Salamat po.

Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com o juandesabog48@gmail.com.

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...