Home OPINION MAY EPEKTO BA ANG ‘CHA-CHA’ SA PUBLIC TRANSPORT?

MAY EPEKTO BA ANG ‘CHA-CHA’ SA PUBLIC TRANSPORT?

ANO ang ‘stand’ ng mga nagsusulong ng Charter change pagdating sa public transport?

May epekto ba ang ‘Cha-cha’, kung sakaling matuloy, sa public transportation?

Depende kung may balak baguhin ang Kongreso sa ‘economic provisions’ na apektado and public transport. Ito ang pagtatanggol sa public transportation bilang ‘protected industry’ na may ‘nationality requirement’ na 60/40 pabor sa Pilipino.

At bakit kailangan na tanungin agad natin ‘yan? Dahil minsan may pagtatangka na alisin bilang public utility ang public transport noong panukala pa lamang ang R.A. 11659 o Amendments to the Public Service Act.

Kung hindi nalabanan ng mga taga-public transport sector, ang public transport ay maaaring 100% ‘foreign owned’ na.

At ngayon malinaw sa R.A. 11659 na ang public transport ay isang uri ng public utility at sa R.A. 11659 ang mga sumusunod ay public utility vehicles.

Samakatuwid, covered ang mga industriyang ito ng Article XII, section 11 “that reserves the operation of public utilities to Filipino citizens or corporations organized under Philippine Laws and at least sixty percent of whose capital is owned by Filipino citizens.”

Kung totoong ang nais ng mga nagsusulong ng Charter change ay baguhin ang ilang economic provisions ng konstitusyon, sigurado na tinitingnan nila ang probisyong ito. Pero kung naamendahan na ang Public Service Act (at hindi na challenge ang constitutionality nito sa Korte Suprema) alin sa mga “protected industries” ang gusto nilang buksan para sa 100% foreign ownership?

Ang pagbubukas ng mga protektadong industriya sa 100% na foreign ownership ay dapat pag-aralang mabuti. Hindi ito paramihan lang ng boto.

Dapat ay masusing pinag-aaralan.

Kaya ang stand ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, kung tatangalin ang public transport bilang public utility at ibubukas ng 100% na foreign owned ay tututulan ng LCSP ito.

Dapat ngayon pa lamang ay maging klaro tayo rito dahil sa may ilang kongresista na hinihingi ang suporta ng public transport para sa Charter change. Teka lang mga boss, dapat klaro tayo na hindi n’yo isusuko ng 100% sa foreign ownership ang public transport.

 

Previous articlePAUTOT NG CHINA BISTADO NA
Next articleCOMELEC NAGPRENO SA PEOPLE’S INITIATIVE