Home NATIONWIDE May sindikato, ‘wag magbigay ng limos – anti-poverty body

May sindikato, ‘wag magbigay ng limos – anti-poverty body

195
0

MANILA, Philippines – Hindi hinihikayat ng National Anti-poverty Commission (NAPC) ang publiko mula sa pagbibigay ng limos sa mga pulubi sa lansangan dahil maaaring may sindikato sa likod nito.

Hiningan kasi ng komento si NAPC Vice Chair for the Government Sector Reynaldo Tamayo, sa viral photo sa social media kung saan makikita na may isang bata ang nagpakita ng printed QR code sa taong kanyang nilapitan sa kalsada o lansangan.

The Facebook user na nag-post ng larawan ng bata na humihingi ng limos, at nang hindi nabigyan ng barya ay kaagad di umano itong nagpakita ng printed na GCash QR code.

Dahil dito, kagyat na nagbigay ng babala ang NAPC hinggil sa pagbibigay ng limos sa mga pulubi.

“Talagang dini-discourage natin iyong mga ganoon ano. Kami sa local government naman na mayroon kaming ordinances na bawal talaga mamalimos, at bawal magbigay sa mga nanlilimos,” ayon kay Tamayo.

Advertisement

“Ang problema ay mayroong mga sindikato na nasa likod ng mga ito. Mayroong instances noon na inihahatid ng van sa umaga at pinipickup naman sa gabi ng van,” aniya pa rin.

Binigyang diin nito na mayroong government programs at interventions na nakalaan talaga para tugunan ang kahirapan sa bansa.

“Karamihan ng mga naglilimos na iyan ang may problema ang tatay sa trabaho, problema sa livelihood, iyon nanay may problema rin sa livelihood, problema sa edukasyon. Ang lahat na ito kung maidentify ng mga local government units iyong mga pamilya na mayroong ganitong problema ay dapat matutukan ng iba’t ibang ahensya,” anito.

Sa kasalukuyan ay gumagamit ang pamahalaan ng isang “community-based monitoring system”

“which updates the database of Filipino families that are qualified to be beneficiaries of government’s anti-poverty programs,” ang wika ni Tamayo. Kris Jose

Previous articleEmergency loan funds siniguro ng GSIS sa hagupit ni #BettyPh
Next articleNTC sa telcos: Maghanda vs hagupit ni #BettyPh

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here