Home OPINION MAYABANG NA APPOINTEE NG MALAKANYANG

MAYABANG NA APPOINTEE NG MALAKANYANG

96
0

MAGMARITES muna tayo ngayon upang mabigyang kasiyahan ang ilang tsimoso’t tsimosa nating mga kababayan. Ay mali. Bato-bato sa langit pala para hindi naman maging masakit sa damdamin. He!He! He!

Usap-usapan ngayon sa Malacañang ang nakatakdang pagsibak ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang opisyal na kung umasta akala mo ay siya ang hari kaya naman asar na asar sa kanya ang mga miyembro ng Presidential Security Group.

Ayon sa isang PSG, itong  ‘appointee’ raw ay ayaw patawag nang basta “Sir” lang ang gusto ay “His Excellency.” Hello! Alam ba niya na ang gusto niyang i-address sa kanya ay para lang sa tulad ni Presidente Marcos?

Hindi naman siya elected official dahil kinuha lang naman siya ng Pangulong BBM dahil nais ng huli na tumanaw ng utang na loob sa tulong ng asawa nito sa kampanya noong 2022. Na dahilan naman para lumaki ang ulo nito at maging abusado.

Ang masaklap pa, ang opisyal na ito ay nasama sa anomalyang naganap lang kamakailan kung kaya nalagay sa balag ng alanganin ang isa sa mga kalihim na nasa ilalim ng pamunuan ni PBBM.

Malaking pera ang naging sangkot sa anomalya na batid naman ng marami na siya mismo ang may kagagawan subalit hindi kaagad lumutang ang kanyang pangalan.

Pero hindi dahil sa mayabang niyang ugali ang magiging dahilan ng kanyang pagkakasibak kundi dahil sa babae. Abangan sa susunod na kolum ang karugtong na kwento.

Previous articleMarco, binansagang matrona killer!
Next articleANDITO NA RIN ANG CANADA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here