Home ENTERTAINMENT Maymay, may kundisyon sa pagsali sa MUP!

Maymay, may kundisyon sa pagsali sa MUP!

Manila, Philippines- Eksenadora!

Ganito kung ilarawan si Maymay Entrata sa recent ABS-CBN Ball.

Nagpaka-daring naman kasi ang Kapamilya star with her ball gown na likha ni Neric Beltran.

Ayon nga sa ilang press attendees, sapat na ràw ‘yon that would make her want to join a national pageant.

Isa pa’y open na rin ang mga ganitong timpalak sa mga adult women tulad niya.

By far, Maymay was at her most daring in red gown.

Sang-ayon ba naman dito ang kanyang nobyong si Aaron Haskell?

Ani Maymay, kung tutuusin daw: “Kulang pa nga ito, eh!”

As far as her beau is concerned, whatever makes her feel comfortable ay ayos lang sa kanya.

Wala naman daw ini-impose na do’s and dont’s ito in terms of clothing.

Pabor din kaya si Aaron should she decide to join national beauty pageants?

According to Maymay, Aaron daw is very supportive of all her life endeavors.

Eh, kung siya mismo ang tatanungin, does she see herself in the competition?

Matatandaang consistent si Maymay sa pagsasabing wala siyang balak.

She reiterated: “Hindi talaga siya desire ng puso ko!”

But what can make her change her decision?

Aniya, sasali lang daw siya if her condition is met.

Aber, ano naman ang kundisyon niya?

Tuwirang sinabi ni Maymay na: “Sasali lang ako pag walang Question and Answer portion!”

Kayo na, mga mahal naming mambabasa, ang bahalang mag-isip kung bakit.

Need we say why? Ronnie Carrasco III

Previous articleFFB Dearyn survivor sa pagkabangga sa commercial ship: ‘Aksidente po talaga’
Next articlePag-asa Island binisita ng House leaders