Home HOME BANNER STORY #MayNanaloNa: P640M lotto jackpot nasolo!

#MayNanaloNa: P640M lotto jackpot nasolo!

MANILA, Philippines – Wagi ang nag-iisang mananaya ng Super Lotto 6/49 jackpot na mag-uuwi ng P640 milyon.

Nanalo ang lucky bettor ng P640,654,817.60 matapos maswerteng mahulaan ang kumbinasyong 26-33-14-48-06-42.

Walang nanalo sa dalawa pang major lotto draw, ang Lotto 6/42 at ang Ultra Lotto 6/58.

Sa 6/42 draw lumabas ang kumbinasyong 03-29-18-30-07-22 na may P16,483,126 jackpot.

Habang nasa P49,500,000 ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw kung saan lumabas angĀ 39-45-18-26-58-05 na winning combination.

Itinaas ng Philippine Charity Sweepstakes Office noong Disyembre 16 ang jackpot prize para sa Ultra Lotto 6/58 at ang Grand Lotto 6/55 sa P500 milyon bawat isa bilang bahagi ng “Handog Pakabog” ng PCSO para sa Pasko.

Isa rin ang nanalo ng P571 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw noong Disyembre 29.

Ang Grand Lotto 6/55 na nagkakahalaga ng mahigit P680 milyon noong Enero 15 ay hindi pa rin napanalunan. RNT

Previous articleLotto Draw Result as of | January 16, 2024
Next articleDavao de Oro binaha sa shear line; 260 pamilya sapul