MANILA, Philippines – Pina-contempt ng mga Senador kasabay ng pagdinig ng Senado sa P6.7 bilyon na shabu cover-up, sina National Capital Region Drug Enforcement (DEG) officer-in-charge Lieutenant Colonel Arnulfo IbaƱez at bata nitong si Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr.
Si Mayo ang itinuturong sangkot sa P6.7 bilyon na shabu drug haul ‘cover-up’ Oktubre noong nakaraang taon.
Kasabay ng pagdinig ng Senate committee
on public order and dangerous drugs kasama ang mga komite ng trade, commerce, and entrepreneurship sa naturang kaso, iminungkahi ni Senador Raffy Tulfo kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ipa-contempt si IbaƱez sa pagsasabing hindi niya alam ang aktibidad ng kanyang tauhan.
Matatandaan na sinabi kamakailan ni IbaƱez na inosente siya at hindi niya alam ang mga ginagawa ni Mayo, na siyang pinagdudahan naman ni Tulfo.
āPanong walang alam eh bata mo ito? Dalawa lang mamili ka ikaw ay bobo or tiwali? Bobo dahil di mo alam ang pinagagawa ng bata na nirekomenda mo sa PDEG (Philippine National Police) or alam mo na itong bata mo gumagawa ng kalokohan at kinukunsinti mo?ā paggigisa ni Tulfo kay IbaƱez.
Itinanggi ni IbaƱez ang nalalaman, kasunod ng pag-akusa ni Tulfo na nagsisinungaling lamang ito at nararapat sa contempt.
Iginiit ng senador na maaari ring arestuhin ang law enforcement officials sa mga kasong may kinalaman sa droga.
āPolice Lieutenant Colonel Arnulfo IbaƱez is hereby cited in contempt before this committee. Sergeant-at-arms, maya niyo na kukunin. He stays here and afterwards, kulong niyo sa baba,ā pag-uutos ni Dela Rosa.
Bago rito, kinwestyon na rin ni Tulfo ang bata ni IbaƱez na si Mayo kung paano siya nakapag-ipon ng aabot sa P6.7 bilyon halaga ng shabu.
Tumanggi naman sumagot si Mayo at sinabing
“I invoked my right against self-incrimination”, dahilan para imungkahi naman ni Senador Robin Padilla na i-contempt ito ng Senado.