Home NATIONWIDE Mayor Binay dismayado sa kawalan ng botohan ng kongresista sa EMBO barangays

Mayor Binay dismayado sa kawalan ng botohan ng kongresista sa EMBO barangays

MANILA, Philippines- Kinuwestiyon ni Makati City Mayor Abby Binay nitong Miyerkules ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na hindi magkaroon ng eleksyon para sa  kongresista sa EMBO barangays.

“It seems that the poll body has forgotten that city councilors are elected by legislative district. If the EMBO residents can vote for city councilors, this means they are part of a legislative district. Then why can’t they vote for their congressional representative?” tanong ni Binay.

Nitong Martes, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na sa kasalukuyan ay hindi kasama ang EMBO barangays sa anumang distrito sa Taguig. Dagdag niya, kinakailangan magpasa ng batas para mapasama ang EMBO barangays sa isang distrito o para matukoy ang mga ito bilang “third district.”

Inihayag ni Binay ang pagkadismaya rito.

”The decision denies the EMBO residents of this right,” giit niya.

“Nawalan na nga ng benepisyo mula sa Makati, inalisan pa sila ng karapatang bumoto ng kanilang kinatawan sa Kongreso.” 

Sinabi pa ng alkalde na dapat ipaglaban ng Taguig City ang karapatan ng EMBO residents na makaboto para sa kanilang congressional representative.

“To simply accept the Comelec decision is to sustain an injustice and be a party to the derogation of their rights as citizens. Dapat ipagtanggol ang kanilang karapatan. Kung hindi ito gagawin ng pamunuan ng Taguig, bahagi sila sa pagkitil sa karapatan ng mga taga-EMBO,” wika niya.

Matatandaang idineklara ng SC ang Fort Bonifacio Military Reservation, binubuo ng parcels 3 at 4, psu-2031, at ng 10 EMBO barangays bilang bahagi ng teritoryo ng Taguig City.

Kabilang sa 10 EMBO barangays ang Cembo, Comembo, East Rembo, Pembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside, Rizal, South Cembo, at West Rembo.

Dating bahagi ng Makati City ang mga nabanggit na lugar.

Samantala, inihayag ni Garcia na nakapaghanda na ang Comelec ng mga balota para sa darating na eleksyon, kung saan hindi kasama ang kongresista para saEMBO barangays.

“Hindi po kami pwede maghintay  kung magakakaroon ng batas o wala sapagkat ayun pong balota  kinakailangan maging maliwanag kung may congressman o wala,” paliwanag ni Garcia.

Nauna nang sinabi ni Garcia na makaboboto pa rin ang EMBO barangays para sa national positions at mayor at vice mayor ng Taguig. RNT/SA