Home NATIONWIDE Mayor Guo kakasuhan ng PAOCC sa tax evasion

Mayor Guo kakasuhan ng PAOCC sa tax evasion

MANILA, Philippines – Plano ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na maghain ng tax case laban kay Bamban Mayor Alice Guo at iba pa, sinabi ni spokesperson Winston Casio nitong Lunes, Hunyo 3.

“As far as we are concerned po, may mga nakita kaming violations niya… mga administrative, actually. Mga tax evasion charges kakasuhan po natin siya,” ani Casio.

“Maaaring sampahan din po namin siya ng mga violation ng securities regulation code, maging ‘yung mga opisyales nung Hong Sheng, at saka Zun Yuan, Baofu,” dagdag niya.

Nang tanungin kung magkano ang halaga ng mga buwis na pinag-uusapan dito, sinabi ni Casio na hindi niya ito mabilang.

“Pero malaki po. Kita mo naman ang lifestyle ni mayora,” sinabi pa niya.

Ayon kay Casio, hindi na sila maghahain ng reklamo dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Guo dahil mayroon nang naihain laban sa kanya.

Kamakailan ay naghain ng graft complaints ang Department of the Interior and Local Government laban kay Guo sa kaugnayan umano sa POGO hub.

Nauna nang sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Guo at dalawa iba pa ng hanggang anim na buwan. RNT/JGC