MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Baguio City Mayor Benjie Magalong, kasama sina dating marine valor Ariel Querubin, Dumaguete City Mayor Ipe Remollo, Municipality of Kauswagan Mayor Rommel Arnado, at Isabela de Basilan Mayor Sitti Hataman ang opisyal na public launch ng “Mayors for Good Governance” sa UP Diliman Film Center sa Quezon City nitong Huwebes.
Ang “Mayors for Good Governance” ay isang kilusan na naglalayong pagkaisahin ang local chief executives, pagtibayin ang good governance principles, anuman ang political differences, upang labanan ang korapsyon. Hinihikayat din nito ang transparency at accountability sa public servants at mga Pilipino. Danny Querubin