Home NATIONWIDE Mayorya ng mga Pinoy nakaranas ng epekto ng climate change – SWS...

Mayorya ng mga Pinoy nakaranas ng epekto ng climate change – SWS survey

MANILA, Philippines- Sinabi ng 80 porsyento ng adult Filipinos na personal nilang naranasan ang mga epekto ng climate change sa nakalipas na tatlong taon, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey, na isinagawa mula Dec. 8–11, 2023.

Batay sa survey results na inilabas nitong Huwebes, 19 percent ng respondents ang nagsabing nakaranas sila ng “severe” effects ng climate change sa nakalipas na tatlong taon, 43 percent ang nakaramdam ng “moderate” effects, at 24 percent ang nagsabing “little” ang epekto nito sa kanila.

Samantala, walang naranasang epekto ang 13 percent.

“The December 2023 percentage of those who have personally experienced the impacts of climate change fell by seven points from October 2023 and six points from December 2022, but it was similar to March 2017 and March 2013,” ayon sa report ng SWS.

“Compared to October 2023, those who experienced the severe impact of climate change fell by four points, while those who experienced the moderate impact similarly decreased by four points,” dagdag nito.

Isinagawa ang Fourth Quarter 2023 SWS Survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents sa buong bansa.

Ang sampling error margins ay ±2.8 percent para sa national percentages, at ±5.7 percent para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. RNT/SA

Previous articleSex reassignment ground sa divorce – solon
Next articleInstitusyonalisasyon ng ilan pang PESO itinutulak ng DOLE, DILG