Home Uncategorized Mayorya ng Pinoy pabor sa military action sa WPS

Mayorya ng Pinoy pabor sa military action sa WPS

MANILA, Philippines – TINATAYANG 72% ng mga Filipino ang naniniwala na dapat iprayoridad ng administrasyong Marcos ang military action, tinukoy ang pinalawig na “naval patrols at presensiya ng sundalo” para tugunan ang isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Makikita ito sa resulta ito ng 4th Quarter 2023 “Tugon ng Masa” (TNM) survey na isinagawa ng OCTA Research.

Isinagawa ang survey mula Disyembre 10 hanggang 14, 2023, partikular na tinanong ang 1,200 respondents kung ano ang pamamaraan na dapat na prayoridad ng administrasyong Marcos upang epektibong matugunan ang hidwaan sa WPS.

“The percentage of adult Filipinos who prefer asserting the Philippines’ territorial rights through military action defined as expanded naval patrols and troop presence in the West Philippine Sea increased by seven percentage points since the third quarter 2023 TNM Survey conducted last October 2023,” ayon sa OCTA sa ipinalabas iyong report, araw ng Martes, Enero 23.

“It must be noted that this is the first time ‘asserting the Philippines’ territorial rights through military action’ as a priority measure overtakes the top-ranked measure in previous TNM surveys, which is ‘asserting the Philippines’ territorial rights through diplomacy and other peaceful methods,’” binigyang-diin nito.

Maliban sa military action, kabilang din sa mga prayoridad na hakbang ay ang igiit ang territorial rights ng Pilipinas sa pamamagitan ng diplomasya at Iba pang mapayapang pamamaraan (70%) at gawing modernisado at palakasin ang kakakayahan ng Philippine military para protektahan ang mga teritoryo ng Pilipinas, (66%).

Nabanggit din ang pagsasagawa ng joint maritime patrols at exercises sa mga kaalyadong bansa (42%), pagpapalawig sa diplomatic efforts sa mga bansa sa loob at labas ng rehiyon (37%) at isantabi ang alitan para sa joint economic development sa rehiyon(14%).

Maliban sa socioeconomic classes, naobserbahan din ng OCTA ang mahalagang pagtaas ng porsiyento ng adult Filipino sa Class D na mas pinili na igiit ang territorial rights ng Pilipinas sa pamamagitan ng military action, tumaas ng 12% simula pa noong October 2023.

Gayunman, bumaba naman ng 3% sa Class ABC at 12% naman sa Class E.

Samantala, ang porsiyento ng adult Filipino sa Class E na mas pinili na igiit ang territorial rights ng Pilipinas sa pamamagitan ng diplomasya at Iba pang mapayapang paraan ay tumaas ng 16% simula pa noong October 2023 habang sa Class D naman ay bumaba ng 5% na puntos.

Sinabi ng OCTA na “there is a notable increase in the percentage of adult Filipinos in Class D who prefer modernizing and strengthening the Philippine military’s capability to protect the country’s territories as a solution to West Philippine Sea disputes by eight percentage points. In contrast, Classes ABC and E fell by five and nine percentage points, respectively.” Kris Jose

Previous articleResbak motibo sa pagratrat sa barangay hall
Next article179 specialty centers itatayo bago matapos PBBM admin