Manila, Philippines – Mukha yatang magkakabalikan sina McCoy de Leon at Elisse Joson, huh!
Binura na kasi ni McCoy ang lahat ng kanyang negative posts sa kanyang Instagram account. Pero nagtira lamang siya ng isang black-and-white photo nila ni Elisse kasama ang kanilang anak na si Felize. Post ito ni McCoy noong nakaraang taon pa.
Bukod pa rito, madalas sila ngayong nakikita na magkasama.
Una silang namataang namamasyal noong January 18 kasama ang panganay nilang si Felize sa isang theme park sa Tagaytay.
Nitong January 20, nakita naman sila na magkasamang kumain sa isang restaurant.
So kung ganyang nagkakasama na ulit sila, mukhang nagkabalikan na ang dalawa, or inaayos pa lang nila ang kanilang naging hiwalayan?
Sana nga ay magkaayos na ulit ang dalawa at magkabalikan. At sana ay gumawa na rin ng way si McCoy na i-reach out ang mommy ni Elisse, na hanggang ngayon kasi ay balitang hindi boto sa kanya para kay Elisse. Rommel Placente