McGregor, nagbigay ng 1M euros para sa protective hospital equipment

McGregor, nagbigay ng 1M euros para sa protective hospital equipment

March 26, 2020 @ 11:10 AM 2 weeks ago

  • 6
  •  
  •  
    6
    Shares
Share

London, United Kingdom — Nagbigay ng 1 milyong euros ang UFC star na si Conor McGregor para sa protective hospital equipment ng mga hospital staff na gumagamot sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa Ireland.

Nagpadala ng mensahe si McGregor sa Minister for Finance ng Republic of Ireland na si Paschal Donohoe at binunyag nito ang nilalaman ng sulat sa kanyang Twitter page.

Sinabi naman ni Donohoe kay McGregor na sabihin nito sa kanyang 7.9 milyong Twitter followers na sanayin ang social distancing.

“Today I am purchasing myself, one million euro worth of personal protective equipment to be deployed to all the fighting hospitals in the Leinster region. Our most affected region, to this date,” pahayag ni McGregor.

“St James’s, Mater, Tallaght, Beaumont, Vincent’s (hospitals). Where we would be without these brave men and women, I do not know. May God bless over them and keep them safe!”

Nanawagan naman si McGregor sa pamahalaan ng Ireland na gawin pa ang kanilang makakaya upang labanan ang virus at magpatupad pa ng stringent lock-down measures.

“I feel like we are moving in the right way, it just feels to me like it is not all the way,” sabi nito.

“I urge all the way! ‘All in’ is the term we must use here. Bit by bit will cost us lives.

“To see what is happening here in Ireland and all across the globe is heartbreaking to me. I pray.

“God speed Minister and thank you for the message, and your service to our nation.” Ulat mula sa Agence France-Presse

Share

Leave a Reply

Loading...