Home SPORTS McGregor vs Chandler ‘di tatagal ng 2 rounds – Poirier

McGregor vs Chandler ‘di tatagal ng 2 rounds – Poirier

617
0

MANILA, Philippines – Naniniwala si dating UFC interim lightweight champion Dustin Poirier na hindi tatagal ang laban sa pagitan ng ex-two-division champion na si Conor McGregor at dating Bellator lightweight champion na si Michael Chandler.

Matapos makalaban si McGregor nang tatlong beses sa nakaraan, nanalo ang dalawa sa kanila sa pamamagitan ng stoppage, at tinalo si Chandler sa pamamagitan ng submission sa kanyang huling outing nitong nakaraang Nobyembre, naiintindihan mismo ni Poirier kung ano ang ipakikita ng dalawang fighter.

Kung maibabalik umano ni Mcgregor ang kanyang ritmo sa kabila ng injury at matagal na pagkatengga, sa palagay ko mapipigilan niya si Michael Chandler,” ani Poirier sa MMA Hour.

Unang naglaban sina Poirier at McGregor noong 2014 kung saan nanalo ang Irish fighter sa pamamagitan ng first-round technical knockout. Muli silang lumaban noong 2021 at napantayan ni Poirier ang iskor sa pamamagitan ng second-round KO na unang pagkatalo ni McGregor sa pamamagitan ng stoppage.

Nagharap sila sa ikatlong pagkakataon makalipas ang halos anim na buwan sa isang laban na nauwi sa technical knockout matapos magtamo ng injury sa binti si McGregor sa unang round.

Bagama’t may kalamangan si Poirier kay McGregor sa kanilang mga laban, nananatili siyang naniniwala sa galing ng huli sa pakikipaglaban.

“If Conor is who he was before the injury and stuff, I think two rounds. I think the fight is over in two rounds,” wika ni Poirier.

Sina McGregor at Chandler ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang mga coach sa paparating na season ng The Ultimate Fighter.JC

Previous articlePNP promotion system depektibo; accomplishments pinepeke – Barbers
Next articlePBA Commissioner’s Cup sisipa sa Oktubre

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here