Home ENTERTAINMENT Media, pinagbawalang tanungin si Cat about Sam!

Media, pinagbawalang tanungin si Cat about Sam!

Manila, Philippines – Ano kaya ang gustong isipin ng media sa “unwritten” o “unspoken” rule sa isang event na dinaluhan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray?

May tall order daw kasi na mahigpit na ipinagbawal sa mga media attendees na magtanong ng anuman tungkol sa nobyo nitong si Sam Milby.

Sa halip, mas preferred daw ni Cat na sagutin ang mga tanong na may kinalaman sa Miss Universe.

Partikular na nagbigay ng kanyang two cents si Cat sa “inclusivity” na pinaiiral ngayon ng prestihiyosong pageant.

Pinapayagan na kasing lumahok years ago ang mga transgender na kinatawan ng ilang bansa.

Bukod sa mga transgender, pinalawig din ang age requirement.

Maaari na ring sumali ang mga kandidatang hindi na single.

Dahil dito’y mas naging inclusive ang Miss U, at sinasang-ayunan ito ni Cat.

Bagama’t ipinagbawal ang mga tanong tungkol kay Sam ay naitsika ng reporter na nag-interbryu kay Cat na kapansin-pansing hindi nito suot ang engagement ring nila ni Sam.

Isang telling sign nga naman ‘yon–tulad ng sinabi na nila–that they’re going through some challenges in their relationship.

Sa pinakahuling panayam kay Sam, sinadya niyang hindi banggitin ang eksaktong petsa ng kanilang altar date.

For the most part daw ay si Cat ang punong-abala sa paghahanda ng kanilang kasal.

Bagama’t kumikilos din naman daw siya, Sam is leaving it all up to his girlfriend.

In fairness, tinatanggap naman daw ni Cat kung may mga suhestyon siya.

Kung matatandaan, isa ang relasyon nina Cat at Sam na nabalitang “shaky” o may pinagdadaanan.

While persistent talks hover in the air, walang kumpirmasyon o pagtanggi ang inisyu ng engaged couple kung ano talaga ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Lagi lang sinasabi ni Sam, their 10-year age gap is enough reason for their readiness to settle down.

“We’re not getting any younger,” gasgas nang iginigiit lagi ng aktor. Ronnie Carrasco III

Previous articlePag-atake sa pinakamalaking ospital sa Gaza ikinaalarma ng WHO
Next articleGCash sasailalim sa maintenance sa Marso 20, 21