Home OPINION MEDIAMEN ALISING SAKSI SA DROGA (3)

MEDIAMEN ALISING SAKSI SA DROGA (3)

MULI nating sasabihin na hanggang walang
naaarestong suspek na may ibang pakay sa pag-
ambush kay Rene Joshua Abiad at mga kamag-
anak niya at isa pang nadamay, mananatili ang
paniniwalang work connected ang krimeng ito.

Work connected dahil isa si Abiad sa mga sapilitan o
mandatory witness sa mga operasyon ng mga
awtoridad laban sa droga.

Iniaatas ang pagiging mandatory witness ng isang
kinatawan ng media ng mga batas sa droga na
Republic No. Act 9165 at Republic Act  No. 10640.

Kapag walang kinatawan ang media, karaniwang
napawawalang-saysay ang kaso laban sa mga
akusadong sangkot sa droga, maliban lang kung
mapatunayang imposibleng magkaroon ng
kinatawan ng media sa nasabing mga operasyon.

MARAMING DAHILAN

Maraming mahahalagang dahilan kung bakit dapat
nang tanggalin bilang mandatory witness ang
mediamen sa mga kasong droga.

Una, maaaring magbuwis ng buhay ang mediaman
gaya ng ilan nang naganap sa parte ng Remate sa
kaso ni Jojo Trajano sa Rizal noong 2009 at si Romy
Binungcal noong 2004.

Ikalawa, kung nasa pribadong empleyo ang
mediaman at napatay, paghihirap at gutom ang
susunod na kalagayan ng kanyang pamilya.

Ikatlo, kung nasugatan ito, gaya ng nangyari kay
Abiad na nilagyan ng bakal ang mga butong nasira o
nadurog ng bala at nagkataong naitakbo sa
pribadong ospital, daan-daang libo ang gastos sa
loob at labas nito at dito rin maghihirap at
magugutom ang kanyang pamilya.

Ikaapat, pahirapan din ang paghingi ng tulong sa
mga ahensya ng pamahalaan kahit mahirap ang
mediaman kung naitakbo ito sa pinakamalapit na
pribadong ospital.

Ikalima, kung mahirap na kompanya ang kanyang
employer, hirap din itong magbigay ng ayuda at
hindi kayang gastusan ang palibing o paospital ng
biktima.

EMPEYADO NG GOBYERNO AT VOLUNTEER

Hangga’t maaari, hiling natin na lahat ng mediamen,
pribado at empleyado ng gobyerno, ay tanggalin na

bilang mga mandatory witness, maliban lang ang
mga nagboboluntaryo para rito.

Previous articlePH inflation, bumagal sa 5.4%
Next articleMGA PINOY SA US DAPAT PATULOY NA MAG-INGAT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here