Home NATIONWIDE Medical records ng Pinoy nakompromiso sa WHO cyberattack – DICT

Medical records ng Pinoy nakompromiso sa WHO cyberattack – DICT

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Information And Communications Technology (DICT) na maaring nag-leak ang data information na may kaugnayan sa coronavirus vaccine program ng Pilipinas kasunod ng iniulat na online hacking attack sa database ng World Health Organization (WHO).

Ayon kay DICT Spokesperson Aboy Paraiso, kinumpirma ng monitoring ng computer emergency response team ng ahensya na nakompromiso ang COVID-19 vaccination database ng WHO para sa Pilipinas at India.

Nasa panganib ang sensitibong personal na impormasyon ng mga taong nag-sign up para sa programa ng pagbabakuna sa COVID-19 kasama ang kanilang buong pangalan, address, kaarawan, numero ng mobile, email address, uri ng dugo, at medical histories.

Sa ulat ng GMA , sinabi ni security analyst Karla Cruz na humigit-kumulang 180 milyong data set ang na-hack at inilabas sa dark web. Nagbabala siya na maaaring magdulot ito ng panganib sa publiko.

Aniya, ito ay mas malaki kaysa sa COME-leak o ang nangyaring hacking attack noong 2016 laban sa Commission on Elections.

Mas malaaki aniya ito kaysa sa PhilHealth dahil kasama ng mga bata at ito ay detalyado.

Upang manatiling ligtas sa cyberattacks,pinayuhan ng mga eksperto ang publiko na palitan ang kanilang passwords kada tatlong buwan , i-activate ang multi-factor authentication sa mga accounts at gumamit ng strong passwords. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePaglaya ni de Lima ikinatuwa ng foreign envoys
Next articleKanselasyon ng pasaporte ni Teves target ng DOJ