Home NATIONWIDE Mekanismo para mapakinggan ang mga guro pinatatatag sa DepEd

Mekanismo para mapakinggan ang mga guro pinatatatag sa DepEd

MANILA, Philippines – Ipinanawagan ng isang mambabatas ang pagkakaroon ng Department of Education (DepEd) ng isang mekanismo kung saan mapapakinggan at matutugunan ang mga hinaing ng mga guro.

Ginawa ni House Deputy Majority Leader at Iloilo lawmaker Janette Garin ang pahayag kaugnay ng guro sa pampublikong paaralan na kamakailan ay nag-trending matapos na pagalitan at maliitina ang kanyang mga estudyante dahil sa kawalan umano ng respeto at mabuting asal.

“Diyan dapat pumapasok ang [DepEd] management. Ito ay isang napakalaking institusyon at dapat mayroong isang command o isang chain kung saan sila (mga guro) ay maaaring maglabas ng kanilang mga problema,” aniya sa isang press conference.

“Syempre ngayon marami ang nagagalit sa kanya and on one hand, hindi lang natin alam kung ilan sa ating mga public school teachers are feeling the same. Dapat tingnan ito ng DepEd, at dapat magkaroon ng solusyon,” dagdag ni Garin.

Sa ngayon ay wala pang ipinapata na parusa ang DepEd sa nag-viral na guro, kung saan ay ipinatawag pa lang ito para magpaliwanag.

Nilinaw din ni Education Assistant Secretary Francis Bringas na walang dahilan para hadlangan ang guro na pumasok sa paaralan at wala pang nagsampa ng reklamo laban sa kanya.

Sinabi rin ni Bringas na ang DepEd Order Number 49 o ang Professionalism in the Implementation and Delivery of Basic Education Programs and Services ay nagbabawal sa mga guro sa pampublikong paaralan na mag-stream nang live sa mga social media platforms. RNT

Previous articleMansyon ni Willie sa Tagaytay naibenta ng P3B
Next articlePinas posibleng lumago sa $2-trillion economy sa susunod na dekada – WEF