Home ENTERTAINMENT Melai, willing bumida sa remake ng Ai Ai movie!

Melai, willing bumida sa remake ng Ai Ai movie!

Manila, Philippines- Matunog ang pangalan ni Melai Cantiveros as the likely title roler of the remake of Star Cinema’s Tanging Ina.

Matatandaang ang orihinal na bumida rito ay si Ai Ai de las Alas.

Sa ilalim ng direksyon ng yumaong Wenn Deramas, naging blockbuster ito nang ipalabas noong 2003.

Ginawan pa ito ng sequel noong 2008 at 2010.

Lately nga y may napagtanungan si Ai Ai kung totoong gagawan ito ng remake.

Ikinasama lang ng loob ng Comedy Queen when the article about it was taken down.

Feeling ni Ai Ai, baka ayaw ma-associate ng Star Cinema sa kanya.

Ang Star Cinema ay ang film arm ng ABS-CBN, ang dating network ni Ai Ai until 2015.

Sa aabangang talk show hosted by Melai Cantiveros, nahingan siya ng komento kung sakaling sa kanya ialok ang role na dating ginampanan ni Ai Ai.

Nagpakatotoo lang ang TV host-comedienne sa pagsasabing magiging happy raw siya.

‘Yun nga lang, naroon daw ang kanyang hiya kay Ai Ai.

Respeto na rin daw ‘yon sa nag-lisang Comedy Queen ng bansa.

Isasaalang-alang din daw ni Melai ang iba pang senior comediennes na mas karapat-dapat sa role.

Binanggit niya sina Eugene Domingo at Pokwang.

Para iwas-intriga na lang daw ay gawing “Kwan ng Ina Mo” na lang ang pamagat ng pelikula.

Hango ito sa pamagat ng talk show ni Melai which caters sa mga kapwa niya Bisaya: “Let our voice be heard!” Ronnie Carrasco III