Home NATIONWIDE Memo tungkol sa paghahanda sa ‘World War 3’ peke – PNP

Memo tungkol sa paghahanda sa ‘World War 3’ peke – PNP

470
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga kumakalat na di-umano ay memorandum na naglalaman ng “re-proposed measures” bilang paghahanda sa papalapit na World War III.

Ayon sa PNP, peke ang mga ito!

“Walang signature e. Wala rin control number. By the looks alone, mukhang di official…Yes (this is fake) walang pirma eh…Walang ganyan document from [Office of The Chief Directorial Staff],” pahayag ni PNP public information office chief Police Brigadier General Redrico Maranan.

Ang memorandum ay tumutukoy sa isang liham na nagmula umano kay National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Guiling Mamondiong na nagpapaalala ng mga pamamaraan upang mapalakas ang internal at external defense ng Pilipinas sa paghahanda sa World War 3.

Kabilang umano dito ay ang pagpapalista bilang reservist sa military ang mga combatants mula Moro National Liberation Front, Moro Islamic Liberation Front, at Cotabato Revolutionary Command kabilang ang lahat ng armed groups na sumusuporta sa Marcos Presidency.

Kabilang din dito ang paggamit ng Reserved Officers Training Corps para sa pagsasailalim ng military at police training upang bumuo at maging bahagi umano ng National Guards.

At ang paglahok ng nasa limang milyong mamamayan para sa sumama bilang National Guards mula sa civilian populace.

Kaugnay nito, sa pekeng memorandum ay hinihiling sa publiko na magbigay ng komento, inputs at iba pang rekomendasyon sa panukala. RNT/JGC

Previous articleComelec naghahanda na sa konsultasyon sa BSKE postponement sa Negros
Next articleLotto Draw Result as of | June 6, 2023

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here