Home METRO Menor-de-edad kalaboso sa P2.8M shabu!

Menor-de-edad kalaboso sa P2.8M shabu!

LEGAZPI CITY, Albay- Nasabat ng mga pulis ang halos kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.8 milyon mula sa isang minor drug pusher sa buy-bust operation sa Santo Domingo, Albay nitong Lunes ng gabi.

Sinabi ni Police Lt. Col. Malu Calubaquib na naaresto ang suspek, na residente sa lugar na ito, ng Office of the Regional Director for Operations-Regional Police Drug Enforcement Unit 5 (ODRDO-RPDEU 5), Santo Domingo Municipal Police Station (MPS) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bicol.

Nasamsam din ng mga awtoridad ang isang cellphone at kutsilyo mula sa suspek.

Ani Calubaquib, ang suspek ay nasa kustodiya ng PNP para sa imbestigasyon at ililipat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). RNT/SA

Previous articleIlang kalsada sa QC isasara para sa Chinese New Year
Next articleCarla at ama, in good terms na!