Home METRO Menor de edad na tandem utas sa motorsiklo

Menor de edad na tandem utas sa motorsiklo

QUEZON, ISABELA-Kapwa patay ang dalawang mag-angkas na menor de edad matapos madulas ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng Provincial road na sakop ng Brgy. Arellano, Quezon, Isabela.

Ang motorsiklo ay minamaneho ng isang 13-anyos na estudyante kasama ang 9-anyos na backride na parehong residente ng Sitio Talaca, Barangay Lepanto, Quezon, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, na nagsariling maaksidente ang lulang motorsiklo ng dalawang menor de edad habang bumabaybay sa kalsada na mayroong tubig na nanggagaling sa irigasyon.

Sa panayam ng ating himpilan kay PCap.t Bernadette Balauag, Deputy Chief of Police ng PNP Quezon, posibleng nadulas ang motorsiklo na dahilan ng matinding pagkakabagok sa ulo ng dalawang biktima.

Dinala pa sa pagamutan ang dalawang menor de edad subalit unang idineklarang dead on arrival ang 13-anyos na drayber at kalauna’y sumunod na binawian ng buhay ang siyam na taong gulang na angkas nito. Rey Velasco

Previous articleP175M secret funds ng NBI sa 2024, pinadaragdagan sa Senado
Next articlePUV modernization subsidy planong itaas sa P250K