Home METRO Menor na rapist tiklo sa paggahasa sa nene

Menor na rapist tiklo sa paggahasa sa nene

Isang sinasabing rapist na menor-de-edad ang dinampot ng mga pulis dahil umano sa paggaahasa sa kapwa wala pa sa hustong gulang sa Malabon City.

Hinuli ang suspek na sinadyang hindi pangalanan at panglima sa most wanted persons ng lungsod dahil sa kasong statutory rape.

Dinamba ang salarin sa bisa ng warrant na inisyu noong Setyembre 6, 2023 ni Catherine Therese Tagle-Salvador, Presiding Judge, National Capital Judicial Region Branch 73, Malabon City.

Walang pyansang inerokenda para sa pansamantalang kalayaan ng dinakip. Merly Iral

Previous articleHoldaper arestado sa Malabon
Next articleBSKE sa Abra, nabalot ng takot; 122 kandidato umatras!