Home NATIONWIDE ‘Mental health crisis’ ikinabahala ng NUSP sa mandatory ROTC

‘Mental health crisis’ ikinabahala ng NUSP sa mandatory ROTC

109
0

MANILA, Philippines- Nababahala ngayon ang National Union of Students of the Philippines (NUSP) sa mandatoryong ROTC na posibleng ‘magpapalala ng mental health crisis’ sa mga estudyante sa buong bansa.

Sa pahayag kahapon (Linggo) ni Jandeil Roperos, prexy ng NUSP, ang magiging epekto ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), lalo na sa mental health ng mga estudyante.

“Long-running mental health crisis” in schools noting that the implementation of mandatory ROTC will turn schools into “breeding grounds for military pawns that are detrimental to the welfare of students.”

“It will further alienate and veer them away from the very essence of education—developing a sense of community where you can freely and healthily engage with others,” ani Roperos.

Base sa datos ng Department of Education (DepEd), may kabuuang 404 na kabataang mag-aaral sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagbuwis ng sariling buhay at 2,147 iba pa ang nagtangkang magpakamatay noong Academic Year (AY) 2021-2022.

“Ang mga mag-aaral ay dinadala na ang mentally-draining academic load at ang sistema ng edukasyon ay hinuhubog na sila sa simpleng pag-iisip na mga automat na nakatuon sa pagtatrabaho sa mga trabahong may maliit na sahod,” sabi ni Roperos.

“Nothing short of depressing” — thus, “adding mandatory ROTC into the equation will just add insult to injury,” dagdag pa ni Roperos.

Ang deliberasyon ng Senado sa panukalang batas na nagpasigla sa mandatoryong ROTC sa mga paaralan ay nakatakda sa Pebrero 6.

Gayunman, ikinalungkot ni Roperos na hindi pa nakakatanggap ng imbitasyon ang NUSP para maging bahagi ng talakayan.

Dahil dito, nanawagan ang NUSP sa kabataang Pilipino na huwag hayaang maipasa ang panukalang batas. “Kapag ang ating mga boses ay nahulog sa ‘bingi’ na mga tainga, tayo ay sumigaw ng mas malakas, sama-sama, at igiit ang ating karapatan sa mga deliberasyon ng Senado,” pagtatapos ni Roperos. Mary Anne Sapico

Previous article6 biktima ng ‘crypto trafficking ring’ hinarang ng BI
Next articleTapyas-presyo sa diesel, gasolina asahan ngayong linggo – industry source