MANILA, Philippines – Hinimok ni AnaKalusugan Partylist Rep. Ray Reyes ang Philippine National Police (PNP) na iprayoridad ang mental health training ng kanilang mga tauhan upang matiyak na maging epektibo ito sa pagtugon sa ibat ibang mga sitwasyon.
“Being able to assess the situation effectively can help our uniformed personnel make informed decisions whatever situation they may be in, at any given time. This will not only improve the safety of our communities but also prevent unnecessary harm to individuals who may be experiencing mental health issues,”paliwanag ni Reyes.
Ani Reyes makatutulong din ang gagawing mental health training sa mga PNP personnel para sa kanilang mental at emotional needs.
“Alam naman natin ho na hindi biro ang trabaho ng ating mga pulis. Araw-araw, hindi nawawala ang banta sa inyong buhay at panganib. Kailangan rin po ay ingatan natin lagi ang mental well-being ng ating mga tagaligtas. I believe that being in the peak of our health, both physically and mentally, helps us in providing help and care to the citizens more efficiently,” giit pa nito.
Sinabi ni Reyes na patuloy din ang kanilang ginagawang pagrebyu sa mental health laws upang masuri kung naayon pa ito sa nternational standards at best practices o kailangan nang rebisahin.
“We must also ensure that our laws protect the rights of individuals with mental health conditions and promote their inclusion in society,” pahayag ni Reyes.
Aminado ang mambatas na malaki ang kontribusyon ng PNP pagdating sa mental health issues lalo at ito ang syang nakasasalamuha ng ibat ibang tao sa araw araw.
“We recognize the relevance of the PNP’s role in creating a safe and secure environment for our citizens. We believe that the PNP and the legislative branch can work together to address mental health issues in our communities,” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza