Meralco Advisory: Hindi natanggap ang inyong Meralco May Bill?

Meralco Advisory: Hindi natanggap ang inyong Meralco May Bill?

June 21, 2020 @ 8:00 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Ito ang inyong maaasahan sa inyong June bill…

 

Nagbigay linaw ang Manila Electric Company (Meralco) para sa mga customer nitong hindi pa nakatanggap ng kanilang electricity bill para sa buwan ng Mayo.

Ayon sa Meralco:

  • Ang June bill ay base sa actual meter reading.

  • Asahang magiging mataas ang June bill dahil ito ang naipon na konsumo simula noong huling actual reading hanggang ngayong June actual reading.

  • Kung nakatanggap na ng estimated March at April bills at hindi nabayaran, pakitabi lang ang mga ito.

  • Kung nabayaran na, ito ay ia-apply sa susunod na bills.

  • 1/4 ng June bill ay due no earlier than June 30. Nakadetalye ito sa Page 3 ng matatanggap na bill.

  • Ang 3/4 na balanse ay isasama sa monthly installments

Ayon sa Meralco, ang bills na naipon noong panahon ng ECQ ay maaaring bayaran ng hulugan. Depende sa konsumo ng customer noong February 2020 ang installment plan.

Sa mga 200 kWh at pababa ang na-konsumo, pwede nilang bayaran ang kanilang bill ng anim na hulog sa susunod na anim na buwan. Para naman sa mga customer na 201 kWh at pataas ang na-konsumo, pwede nila itong bayaran ng apat na hulog.

 

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...