MANILA, Philippines- Muling bumaba ang singil sa kuryente ng power distributor na Manila Electric Co. (Meralco) dahil sa pagbaba ng demand sa gitna ng tag-ulan at mas mababang spot market prices, para sa August billing period ng P0.2908 per kilowatt-hour (kWh), na nagdala sa kabuuang electricity rate ng isang tipikal na tahanan sa P10.8991 per kWh mula sa P11.1899 per kWh noong Hulyo.
Nangangahulugan ito ng P58 na pagbaba sa kabuuang bill ng residential customers na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.
Ito ang ikalawang sunod na buwan ng pagbaba ng singil sa pagbaba rin ng temperatura sa bansa, na nakaapekto sa overall demand.
Noong nakaraang buwan, tinapyasan ng power distributor ang electricity rate ng P0.7213 per kWh after sa pagbaba ng demand, na mitsa ng mas mababang generation charges. RNT/SA