Meralco magpapadala ng liham sa mga konsyumer: Lumobong bill, ipaliliwanag

Meralco magpapadala ng liham sa mga konsyumer: Lumobong bill, ipaliliwanag

May 28, 2020 @ 7:17 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Magpapaliwanag sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat ang pamunuan ng Meralco sa mga konsyumer nito dahil sa naitalang pagtaas ng March, April, at May bill.

Kasabay din nito ang pagtitiyak ng electric company na hindi sila magpuputol ng kuryente habang may lockdown.

Muli ding iginiit ng Meralco na hindi naman kailangang biglaan ang pagbabayad ng naipon na bill dahil pwede itong bayaran ng installment.

“Sakop na po lahat, di na po kailangan mag-aalala ng mga kababayan natin na bayaran ito ng in full dahil pwede na nga itong i-settle through installment,” ani Joe Zaldarriaga, ang spokesperson ng Meralco.

Isasama sa bagong bill ang pagpapaliwanag ng sample computation ng hatian ng babayaran ng isang bahay simula Hunyo 15.

“Wala po tayong magaganap na anumang disconnection, huwag hong mag-aalala yung mga kababayan natin, ang importante sa amin ngayon ay maibigay itong mga bagong bills nila na may kalakip na liham para meron na silang impormasyon,” giit pa ni Zaldarriaga. RNT

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...