Home HOME BANNER STORY Meralco nagbabala vs mapanlinlang na text message sa costumers

Meralco nagbabala vs mapanlinlang na text message sa costumers

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga customer laban sa mga mapanlinlang na text message na ipinadala sa kanila.

Sinabi ng Meralco na ang mensahe na ipinadala sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Short Message Service (SMS) channel ay naglalaman ng external link na hindi dapat i-click, dahil ang external link ay hindi mula sa Meralco.

“Kami ay nakakatanggap ng mga ulat na ang ilan sa aming mga customer ay nakatanggap ng isang mensahe na may panlabas na link mula sa aming opisyal na SMS channel. Huwag i-click ang link. This is not from Meralco,” saad sa abiso ng Meralco.

Sinabi ng kumpanya na iimbestigahan nila ang isyu.

“The company has requested the blocking of the link and is currently investigating the matter,” ayon pa sa Meralco. RNT

Previous articlePCGG nakapagbigay sa kaban ng bayan ng halos P3B sa 2023
Next articlePanagbenga Festival sinaksihan ng 32,000 katao