MANILA, Philippines – Ipinadala ng Meralco Bolts si Mac Belo sa Rain or Shine Elasto Painters kapalit ni Norbert Torres.
Inanunsyo ng magkabilang koponan ang development ngayong Huwebes habang inaprubahan ng PBA ang trade.
Sa isang pahayag, pinasalamatan ng Bolts si Belo sa kanyang mga kontribusyon sa koponan at ibinahagi ang kanilang pananabik sa pagdating ni Torres.
“Naniniwala kami na magkakaroon siya ng positibong epekto sa koponan, at inaasahan namin na makatrabaho siya habang naghahanda kami para sa darating na season,” sabi ng Meralco.
Kamakailan ay wala sa limelight si Belo habang si Torres ay nakapagtala ng 6.56 points at 1.67 rebounds kada laro sa siyam na outings noong nakaraang Governors’ Cup.JC