Home METRO Mga aklat, module na nasira ng baha sa Bulacan papalitan ng DepEd

Mga aklat, module na nasira ng baha sa Bulacan papalitan ng DepEd

MANILA, Philippines- Papalitan ng Department of Education (DepEd) ang mga textbooks at modules na nasira kamakailan lamang sa pagbaha sa Bulacan habang nagpapatuloy naman ang paglilinis ng mga baradong kanal bunsod na rin ng papalapit na pasukan.

Napaulat kasi na tinatawid ng mga magulang, guro at estudyante ang ilang pulgadang tubig-baha para lamang patuloy na linisin ang Doña Damiana De Leon Macam Memorial Elementary School sa Calumpit mula nang tumama ang bagyo ilang linggo na ang nakalilipas.

Nakatambak sa labas ng eskwelahan ang mga nasirang textbooks  dahil sa sobrang pagkalubog sa baha, mabaho at gutay-gutay o punit-punit na  modules.

Tinuran ng DepEd na hihilingin ng Schools Division Office nito sa lalawigan na palitan ang mga module at textbooks matapos makumpleto ang inventory ng pangangailangan ng paaralan.

Nagsagawa na aniya ang tanggapan ng emergency procurement ng modules na ihahatid sa lalawigan sa araw ng Biyernes, bago pa ang simula ng pagpasok sa eskwela sa Agosto  29.

“Ongoing po ang inventory ng SDO Bulacan para malaman ang specific needs ng schools na naapektuhan ng baha. Once identified, a request for replacement will be made as we have buffer stocks for textbooks,” ayon kay DepEd spokesperson.

Ang mga eskwelahan na labis na tinaaman ng pagbaha ay kailangan na bumaling muna sa blended learning para ma- accommodate ang mga klase.

Sa Doña Damiana De Leon Macam Memorial Elementary School, mayroong pito mula sa 25 silid-aralan ang nakatakas sa pagbaha, kung saan kinokonsidera rin ang shifting classes.

“‘Yung heat ng sun na lang ang magpapahupa ng baha na ‘yan,” ayon kay Evelyn Tongol, guro.

“For school that remain to be flooded when classes open, we will switch the learners to blended learning,” ang pahayag naman ni DepEd spokesperson Michael Poa. Kris Jose

Previous articlePUV operators, drivers lusot muna sa bagong toll rate sa CAVITEX
Next articleKonstruksyon ng PNR umarangkada