Home NATIONWIDE Mga akusado sa kaso ng missing sabungeros, naglagak ng piyansa

Mga akusado sa kaso ng missing sabungeros, naglagak ng piyansa

MANILA, Philippines- Pansamantalang nakalalaya ang anim na akusado sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ito ay matapos pumayag ang Manila Regional Trial Court (RTC) na makapagpiyansa ang mga akusado na sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion at Roberto Matillano, Jr.

Kinumpirma ni Department of Justice Senior State Deputy Prosecutor Richard Anthony Fadullon na nakapaglagak ng surety bonds ang mga nabangit.

Ang surety bond ay isang kontrata kung saan tinitiyak nito na babayaran ng principal ang obligasyon nito.

Inatasan ng Manila RTC Branch 40 ang bawat suspek na makapaglagak ng ₱3 milyon bilang piyansa.

Ayon sa mababang korte, bigo umano ang prosekusyon na patunayan ang tatlong elemento ng kidnapping kung kaya ipinahintulot nito na ang piyansa.

Sinabi ni Fadullon na iaapela nila ang desisyon ng korte at agad maghahain ng Motion for Reconsideration.

Una nang sinampahan ang mga akusado ng anim na bilang ng kasong kidnapping at serious illegal detention sa pagkawala ng mga sabungero na sina John Claude Inonog, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, Rowel Gomez, at magkapatid na sina James at Marlon Baccay. Teresa Tavares

Previous articleBoyet, lucky charm ni Ate Vi!
Next article4 timbog sa credit card fraud sa QC