MANILA, Philippines – Binasahan ng sakdal sa isinagawang arraignment at pre-trial ng Manila RTC Branch 40 ang mga akusado sa ‘missing sabengeros’ sa Maynila.
Sa pamamagitan ng online humarap sa pagdinig ang anim na itinuturong sangkot sa pagkawala ng anim na sabungero noong Enero 2022 sa Manila Arena.
“Not guilty”, ang inihaing plea ng mga akusado.
Matapos ang arraignment, itinakda ni Judge Rebecca Guillen-Ubaña ang muling pagharap ng mga akusado sa korte para sa paglilitis sa October 10, alas-3 ng hapon.
Sa naturang petsa tatalakayin ang petition for bail para sa nais na pansamantalang kalayaan ng mga akusado na nasa kustodiya ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group. Jocelyn Tabangcura-Domenden